“MENSAHE”

Kamusta ka? Kaya pa ba?

Alam mo, kahit pagod ka na. Ituloy mo ang pangarap ha. Sabi nga nila, “MALAYO PA, PERO MALAYO NA”

Sa bawat isa, Lalo ka na!
May mga panahong tayo’y susuko na,
‘Yong tipong ayaw mo na talaga.
Mga panahong pagod na pagod na,
At mga panahong parang bibitaw na….

Pero sasabihin ko sayo ha.
Sapat ka! Hindi kulang, Hindi konti, Kundi sobra pa.
Ngunit sa mga gantong panahon,
Na tila di natin alam kung paano umahon,
May nakahandang tumulong at tumugon,
Kung bakit tayo ganon, at kung bakit nasa ganong sitwayon.

Sa ating destinasyon mag tiwala sa Panginoon!
Patuloy ka parin sumunod, kahit hindi alam ang kasunod.
Tandaan mong sarili lang ang pag-asa, huwag pang hinaan dahil kasama mo SIYA

Sa bawat kapaguran na iyong nararanasan,
tandaan mong may edukasyon na hindi mo dapat talikuran.
Pwedeng mapagod , huwag ka lang panghinaan.
Ito ang mensahe ko sayo, pwedeng magpahinga pero tuloy ang pangarap para sa pamilya.

Kaya tandaan mo hindi ka mahina tulad ng
akala nila. Oo, malayo ka pa,
pero tandaan mo ring malayo kana,
para huminto pa.

Design a site like this with WordPress.com
Get started